Kasaysayan
ng Pakil
Ang unang pamayanan ng Pakil ay itinatag
ni Padre Pedro Bautista, isang misyonaryong Franciscano, noong taong 1588. Siya
ay naging isang Santong Martir.
Ang Pakil ay naging
isang baryo at bisita (bayang walang sariling pan) ng Paete noong 1602.
Noong
taong 1670, ang dating kura ng Sta. Ana, Maynila na si Padre Frandsco Barajas
ay nagmisyon sa mga tao sa kabundukan ng Tanay hanggang bumaba sa baybayin ng
Laguna at nakarating sa Pakil Sa sipagat tiyagam Padre Barajas, ang Pakil ay naihiwalay
sa Paete noong ika-12 ng Mayo 1676 at binieyan ng pagsasari at pananagutan bilangisang
bayan. Angunangnagmg Kapitan ay si Diego Jorge at ang unang naging Kura ay si
Padre Barajas.
Ang Pakil ay nagsarili
mula 1899 hanggang 1903 at ang unang naging Presidente Federal, mula 1899 hanggang
1901, ay si G. Bemardo Gonzales.
Si G.
Gonzales ang siya ring naging Presidente Municipal mula 1901 hanggang 1903.
Ang
Pakil ay ibinalik bilang baryo ng Paete noong ika-12 ng Oktubre 1903 at milipat
sa pagiging baryong Pangil noong ika-25 ng Nobyembre 1903. Ang Pakil ay napaanib
sa Pangil hanggang 1927.
Naging ganap na bayan ang
Pakil noong ika-1 ng Oktubre 1927 sa bisa ng Utos Pampangasiwaan Bilang 77 (Setyembre
9, 1927), na smusugan ngUtos Pampangasiwaan Bilang 91 (Disyembre5,1927). Angunangnagmg
Presidente Municipal ay si GelacioGalleros na nanungkulan hanggang ika-27 ng Oktubre
lamangdahil siya ay biglang dinapuan ng karamdamanna naging sanhi ng kanyang kamatayan
Humalili sa kanya si Emeterio de Ramos. Ang unang nagtog Alkalde Municipal ay
si Ciriaco Gonzales na nanungkulan mula 1932 hanggang 1937.
Ang
bayan ng Pakil ay napasailalim ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
at lumaya noong ika-5 ng Abril 1945.
Ang Pakil neayon
ay may 13 barangay. Anim ang nasa pobladon: Bano, Burgos/Gonzales. Rizal. Taftat
Tavera. Anim din ang nasa kabilang ibayo ng dagat: Banilan, Casa Real, Casinsin,
Dorado, Kabulusan at Mahkiw. Ikalabm- tatio ang Saray na nasa bundok ng Sierra
Madre.
Ang Pakil ay may sukat na4,649.77 hektarya.
Noong l990, ang populasyon ay bumilang nang 13,455 katao.